Mahigpit na pagbabantay sa staycation hotels, ipinag-utos ng DOT

Ipinag-utos ng Department of Tourism (DOT) ang magkaroon ng mahigpit na pagbabantay sa staycation hotels at iba pang accommodation establishments.

Ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbubukas ng accommodation establishments sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa 30-percent venue capacity sa ilalim ng mahigpit na health at safety guidelines.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ikinalugod nila ang desisyon ng IATF na payagan ang mga accredited establishments na tumanggap ng leisure guests.


Makakatulong aniya ito para makabalik ang mga trabahong nawala dahil sa pandemya.

Paalala ni Puyat na ang kaligtasan ng mga guest, residents, at host communities ay hindi dapat makompromiso.

Muling iginiit ng DOT na ang mga hotel na nagsisilbing isolation o quarantine hotels ay hindi pinapayagang tumanggap ng leisure o staycation.

Facebook Comments