MAHIGPIT NA PAGBABAWAL SA PAGLIGO SA TUBIG BAHA AT KAILUGAN SA PANGASINAN, IPINANAWAGAN

Patuloy na nanawagan ang mga awtoridad sa publiko sa mahigpit na pagbabawal sa pagligo sa tubig baha at mga kailugan dahil sa panganib ng pagkalunod.

 

Ayon sa PDRRMO, nananatili pa rin sa above critical level ang mga kailugan at posibleng makaranas ng mabilis na agos.

 

Hinimok din ang mga magulang at barangay councils sa pagbabantay sa mga kabataan upang maiwasan ang aksidente sa katubigan kasunod ng ilang insidente ng pagkalunod na naitala sa lalawigan.

 

Kaugnay nito, patuloy na hinihimok ang publiko sa pagtalima sa mga abiso at anunsyo ng awtoridad upang matiyak ang kaligtasan hanggang sa tuluyang bumuti ang sitwasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments