Ayon sa lokal na ehekutibo ng Binmaley, mahalaga umanong dumaan sa masusing pagsusuri ang lahat ng proyekto at programang ipinatutupad sa bayan, kahit pa ito ay nagmumula sa national o provincial government, upang masiguro na ang mga ito ay tunay na makabubuti sa mga residente at naaayon sa pangangailangan ng komunidad.
Dagdag pa niya, bahagi rin umano ito ng accountability ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang mga programang hindi napaghandaan o walang malinaw na direksyon.
Samantala, bagamat huli na umanong naipahayag, sinusuportahan din ni mayor pedro merrera iii ang direktiba ng department of the interior and local government o dilg kaugnay sa mahigpit na pagpapatupad ng anti-epal policy sa lahat ng proyekto ng pamahalaan.
Ayon kay mayor merrera, hindi dapat ginagamit ang mga proyektong pinondohan ng gobyerno para sa personal o pampulitikang interes ng sinumang opisyal.
Ayon naman sa kinatawan ng dilg sa bayan, bagamat dati na ang nasabing kautusan ay layunin nitong makatulong sa panunumbalik ng tiwala ng taong-bayan.
Patuloy namang hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang transparency at pagsunod sa tamang proseso upang masigurong ang bawat proyekto ay tunay na nagsisilbi sa interes ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










