Tiniyak ni House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na mahigpit nilang bubusisiin ang panukalang P5.768 trillion national budget.
Sabi ni Co, ito ay para matupad ang target nilang aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang 2024 budget bago magbreak ang kanilang session sa Oktubre.
Ayon kay Co, nakatakda sa August 10 ang briefing sa komite ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) habang sa September 18 naman nila target masimulan ang debate sa plenaryo ukol sa proposed 2024 national budget.
Pangako ni Co, magiging transparent at effective ang gagawin nilang proseso ng pagpasa sa pambansang pondo na para sa kapakanan ng bayan at mamamayang Pilipino.
Binigyang diin din ni Congressman Co ang pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na sisiguraduhin nila na ang maipapasang pondo sa susunod na taon ay umaayon sa 8-Point Socioeconomic Agenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Philippine Development Plan 2023-2028.