Mahigpit na pagbusisi sa travel history ng mga Pinoy returnees, ikinasa ng BI upang hindi makapasok ang Indian variant sa bansa

Patuloy ang mahigpit na pag-iinspeksyon ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa mga dumarating sa bansa upang masiguro na hindi makakapasok sa bansa ang double mutation mula sa India.

Sa interview ng RMN Manila kay BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval, sinabi nito na mahigpit na binubusisi ang mga pasaporte ng mga darating sa bansa na Pinoy returnees upang malaman ang kanilang travel history.

Sa ngayon ay nananatili ang travel ban sa mga bansa ng India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka at Bangladesh hanggang May 14, 2021.


Ayon kay Sandoval, pag-uusapan pa ng Inter-Agency Task Force kung palalawigin o hindi ang umiiral na travel ban sa mga nasabing bansa.

Facebook Comments