Mahigpit na pagpapatupad ng health protocols, dapat kaakibat ng pinalawig na face-to-face classes

Pinaalalahanan ni Committee on Health Chairman at Senator Christopher “Bong” Go ang mga opisyal ng paaralan na tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols.

Layunin ng paalala ni Go na mapigil ang pagkalat ng COVID-19 sa harap ng pagpapalawig sa face-to-face classes.

Batid ni Go ang hindi magandang epekto ng matagal na pagsasara ng mga paaralan.


Pero ayon kay Go, dapat balansehin ang pagpapahalaga sa edukasyon at pagbibigay proteksyon sa buhay at kalusugan ng mamamayan.

Kaya naman mungkahi ni Go sa mga paaralan, paghusayin ang ventilation sa mga silid-aralan at siguraduhing naisasagawa ang physical distancing, gayundin ang pagsusuot ng face mask at palaging paghuhugas ng kamay.

Muli ring nanawagan si Go sa lahat na huwag sayangin ang oportunidad na magpabakuna para magkaroon ng proteksyon laban sa sakit lalo na ang mga bata na papasok sa paaralan.

Facebook Comments