Mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa mga LGUs, iginiit ng isang kongresista

Umapela si outgoing Quezon City Rep. Alfred Vargas na muling higpitan ang pagpapatupad ng minimum health safety protocols.

Kasunod na rin ito ng naunang anunsyo ng Department of Health (DOH) na limang lungsod sa NCR ang isinailalim sa moderate risk category dahil sa pagtaas sa kaso ng COVID-19.

Tinukoy ng mambabatas na may ilang ulat siyang natanggap na mayroon mga establisyimento na nagiging maluwag na sa pagpapatupad ng minimum health safety protocols tulad na lamang ng pagsusuot ng mask.


Paalala ng kongresista, responsibilidad ng local officials, mga may-ari ng establishments at maging ng publiko na patuloy na sundin ang health protocols lalo mayroon pa ring COVID-19.

Paraan aniya ito ng pagpapakita ng pagmamahal at malasakit sa kapwa gayundin ay napatunayan naman na base sa mga ebidensya na napo-protektahan ng pagsusuot ng mask ang publiko mula sa virus.

Facebook Comments