Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar na strikto pa ring ipapatupad ang health protocols sa ilalim ng COVID Alert Level 2 sa Metro Manila.
Ayon kay PNP chief, anupaman ang Alert Level ay may sapat na tauhan na naka-deploy ang PNP para ipatupad ang health protocols at tiyakin ang seguridad ng publiko sa mga lugar na pinahihintulutan na pasyalan.
Inutusan na rin umano ang mga pulis na makipag-ugnayan sa mga Local Government Unit (LGU).
Kasunod nito, nanawagan naman si PNP chief ng pakikiisa sa publiko na manatiling mapagmatyag at huwag maging pabaya.
Sinabi ni PNP chief, walang pakialam ang Coronavirus sa anumang Alert Level, kaya ang mga tao ang dapat mag-adjust sa pamamagitan ng tamang pagsunod ng mga patakaran sa kaligtasan.