Mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols sa mga ahensya ng gobyerno at Local Government Units, ipinaalala ng Civil Service Commission

Kasunod ng pagbabalik trabaho sa pribadong sektor, balik trabaho na rin kahapon ang mga kawani ng pamahalaan.

Kasabay nito, ipinaalala ng Civil Service Commission (CSC) sa mga kawani ng ibat- ibang ahensya ng pamahalaan at Local Government Units (LGUs) ang mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols.

Sa interview ng RMN Manila kay CSC Commissioner Atty. Aileen Lourdes Lizada, binigyan diin nito na dapat sumunod ang mga ahensya ng pamahalaan at LGUs sa guidelines ng Inter-Agency Task Force.


Kabilang rito ang pagkakaroon ng sanitazion station, temperature scanning, pagbibigay ng Personal Protective Equipment sa mga Frontliners, tamang pagpapatupad ng physical distancing at pagpapatupad ng calibrated work force kung saan papayagang magwork from home ang mga kawani ng gobyerno na senior citizen, buntis at iba pang may health risk.

Babala ni Lizada, nakatutok sila sa mga ahensya at LGUs at tiyak na mananagot ang sinumang lalabag dito.

Bukod dito, tinutugunan na rin ng CSC ang mga problemang kinakaharap ng mga empleyado ng gobyerno sa muling pagbubuksan ng mga transaksyon ng pamahalaan.

Facebook Comments