Mahigpit na pagpatutupad ng bidding and procurement processes, iniutos ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa kanyang ahensya

Manila, Philippines – Mahigpit na inatasan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang lahat ng mga opisyal ng ahensya hinggil sa kanyang ipinalabas na direktiba kaugnay sa mahigpit na pagpatutupad ng bidding and procurement processes, na hindi pwedeng i-entertain o kaya naman ay kunsintihin ang mga diskusyon at negosasyon na labas sa isinasaad sa batas.

Ayon kay Tugade, ang kanyang prinsipyo ay hindi siya nakikialam at namamagitan sa usapin na may kinalaman sa Bids and Awards Committee o (BAC).

Giit ni Tugade, ang BAC ay dapat independent body mula sa kalihim kung saan ay hindi nito pinahihintulutan sinuman na talakayin ang mga proyekto ng hindi pa tapos pero kapag naisapinal na ang procurement at kumpleto na ang mga dokumento saka siya papasok sa naturang usapin dahil kinakailangan umanong maging estrikto sila sa pagsunod sa proseso para hindi naman mabahiran ng korapsyon ang kanilang tanggapan.


Facebook Comments