Nais ni Philippine National Police Chief, Police General Oscar Albayalde na magkaroon ng mahigpit na polisiya kontra vote buying kung saan maging ang mga pulitiko ay mananagot hindi lang ang mga tauhan nito.
Sa datos ng PNP, umabot sa 449 suspected vote buyers at sellers ang inaresto ng PNP, kabilang ang siyam na menor de edad.
Ayon kay Albayalde – walang pulitiko ang napasama sa listahan ng violators.
Hinimok din ng PNP chief ang Commission on Elections (Comelec) at Department of Interior and Local Government (DILG) na maghanap ng mga paraan para mapanagot ang mga pulitikong mandadaya sa electoral process.
Para kay Albayalde – dapat maimbestigahan ang mga vote buying incidents maging ang mga pulitikong nasa likod nito.
Pangamba pa ng PNP chief na mas magiging malawak pa ang vote-buying sa 2022 presidential elections kung hindi agad ito mareresolba.