Mahigpit na price monitoring, ikakasa ng DTI kasunod ng umiiral na price freeze

Nagpalabas na rin ng suggested retail price para sa ilang mga pangunahing produktong agrikultural ang department of agriculture (DA).

Kasunod na rin ito ng pagpapatupad ng price freeze para sa mga pangunahing bilihin sa bansa, simula ngayon at tatagal hanggang Mayo 15 dahil na rin sa umiiral na State of Calamity sa buong bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, alinsunod sa kanilang ipinalabas na circular noong Pebrero 20, itinatakda ang presyo ng mga sumusunod na produkto:


Karne ng Baboy – PHP 190.00 per kilo

Manok – PHP 130.00 per kilo

Asukal (brown) – PHP 45.00 per kilo

Asukal (puti) – PHP 50.00 per kilo

Bangus – PHP 162.00 per kilo

Tilapia – PHP 120.00 per kilo

Galunggong (imported) – PHP 130.00 per kilo

Bawang (imported) – PHP 70.00 per kilo

Bawang (local) – PHP 120.00 per kilo

Pulang Sibuyas – PHP 95.00 per kilo

Sa interview naman ng RMN Manila, binigyan diin ni Department of Trade and Industry Under Secretary Ruth Castelo na mahigpit nilang babantayan kung naipatutupad ang mga nabanggit na Suggested Retail Price (SRP) lalo nat walang kakapusan sa supply ng mga pangunahing bilihin.

Kaugnay nito, inihayag ni Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba na inaasahan na rin nila na magiging stable ang supply ng mga produkto sa Metro Manila.

Facebook Comments