Nagbabala ang Malacañang sa publiko na maaaring ibalik sa mas mahigpit na quarantine classifications ang ilang lugar sa bansa sakaling magkaroon ng surge ng COVID-19 cases ngayong holiday season.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos ianunsyo ng Department of Health (DOH) na bumabagal ang decreasing trend ng COVID-19 cases, senyales na tumataas muli ang kaso sa ilang rehiyon sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi magandang senyales ito dahil lalabas lamang na maaaring tumaas ang kaso kung magpabaya ang mga tao at binalewala ang minimu health standards.
Babala pa ni Roque, kapag umabot sa critical level ang COVID-19 cases sa bansa ay maaaring i-akyat ang mahigpit na quarantine classification ang ilang lugar sa bansa.
Kaya muling paalala ni Roque: Mask – Hugas – Iwas.