Mahigpit na quarantine rules sa bansa, hindi pa kailangan para makontrol ang COVID-19 variant – DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi pa kailangan ngayon ang mas mahigpit na nationwide quarantine rules sa kabila ng posibleng pagtaas sa kaso ng B.1.1.7 COVID-19 variant sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, ang granular lockdown approach ay epektibo para sa economic recovery sa bansa sa kabila na naitala ang 17 kaso ng bagong virus variant.

Aniya, may mga systems alert naman ang gobyerno kapag may surge, kung saan puwedeng baguhin ang restriction level.


Pero hangga’t maari ay maiwasan na magkaroon ng surge upang hindi muling magpatupad ng malawakang lockdown.

Kasabay nito, sinabi rin ng opisyal na ang Inter-Agency Task Force ay may scientific basis rin sa pagpapatupad ng lockdowns.

Facebook Comments