Mahigpit na regulasyon sa mga barko, isinulong sa Kamara

Kasunod ng malawakang oil spill sa Oriental Mindoro ay isinulong ni Negros Occidental 3rd District Representative Kiko Benitez na magkaroon ng mahigpit na regulasyon sa mga barko.

Nakapaloob ito sa inihain ni Benitez na House Bill 7515 o Prevention of Pollution from Ships Act na layuning mapigilan ang posibleng “oil spills” at paglalabas ng mapaminsalang “substances” sa mga karagatan.

Nakapaloob sa panukala ni Benitez, ang mahigpit na pagpapairal ng mga regulasyon sa ilalim ng “1973 International Convention for the Prevention of Pollution from Ships, and its 1978 Protocol.”


Palalakasin din ng panukala ang Maritime Industry Authority o MARINA lalo na sa pagpapatupad ng “shipbuilding standards” at bibigyan nito ng mandato ang Philippine Coast Guard (PCG) na sitahin, hulihin at i-detain ang mga barko na lalabag sa mga regulasyon.

Kapag naisabatas ang panukala, ang may-ari ng mga barko na lalabag dito ay pagmumultahin ng hanggang P10 million na syang gagamitin sa clean-up at containment ng mapanganib substances at pollutants sa karagatan.

Facebook Comments