Mahigpit na regulasyon sa paggamit at pagbenta ng Vape, isinusulog ng DOH

Nais ng Department of Health (DOH) na ma-regulate ang paggamit at pagbebenta ng Vape.

Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, mapanganib sa kalusugan ito lalo na sa mga kabataan.

Bukod sa Nicotine na nakaka-adik, gumagamit din ang mga ito ng synthetic Chemicals na pumapasok sa katawan na pwedeng makasama sa mga gagamit nito.


Babala pa ng DOH, pwedeng makaapekto sa pag-develop ng utak ang maagang paggamit ng Vape.

Nakakabahala rin ang datos na isa sa kada 10 kabataang Pilipino ay nakatikim na ng Vape.

Tulad sa sigarilyo, pwede ring makasama ang secondhand smoke o malalanghap na usok mula sa Vape.

Dahil dito, suportado ng DOH na taasan ang buwis sa Vape products.

Facebook Comments