Hinimok nila House Deputy Minority leader at Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate at Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite na paigtingin ang screening at monitoring sa mga indibidwal o grupo mula sa mga lugar na may Coronavirus.
Hiling nila Zarate at Gaite na pawiin ang panic at pagiging “paranoid” ng mga Pilipino sa sakit na mula sa Wuhan, China.
Iginiit nila na dapat siguruhin ng pamahalaan ang sapat na kahandaan tulad ng supplies, gamot, pasilidad at sapat na personnel at pondo.
Pinaaalerto din ang mga pangunahing ahensiya tulad ng DOH, airport at seaport authorities at immigration para mamonitor ang nasabing sakit.
Pinaghahanda din ng mga mambabatas ang gobyerno ng mekanismo sakaling makapasok at tuluyang kumalat ang corona virus sa bansa.