Ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Police Major General Felipe Natividad ang mahigpit na pagpapatupad ng seguridad at police visibility sa paligid ng Metro Manila.
Kasunod ito sa dalawang insidente ng pambobomba na naganap sa South Cotabato at Sultan Kudarat noong nakaraang linggo.
Ayon kay Natividad, isinaalang-alang nito na maging isa sa mga target ng pag-atake ng mga terorista at pambobomba dahil isa ito sa pinakaabala at mataong lugar sa bansa.
Mariing kinomdena ni Natividad ang ganitong uri ng karahasang pagwawalang-bahala sa buhay ng tao at kapayapaan at kaayusan.
Tiniyak naman ni Natividad ang seguridad at kaligtasan ng mga komunidad sa Metro Manila kung saan walang katulad na banta o insidente ang mangyayari sa Kamaynilaan.
Hinihikayat ng NCRPO ang publiko na maging alerto at mapagmatyag sa mga taong kahina-hinalang kilos sa kanilang lugar at agad i-report sa NCRPO Text Hotline Numbers: 0999-901-8181.