CAUAYAN CITY- Nag talaga ng check-point sa bawat barangay ang bayan ng Angadanan matapos makapagtala ng kaso ng African Swine Fever sa lugar.
Sa panayam ng IFM News Team kay Municipal Agriculturist Glenn Baquirin, dalawampu’t apat na baboy ang tinamaan ng African Swine Fever sa tatlong barangay kung saan labing isang owners ang apektado nito.
Aniya, nagsagawa sila ng blood collection sa mga alagang baboy sa dalawang karatig barangay ng tatlong barangay na apektado ng ASF.
Dagdag pa niya, may mga inilalatag naman na programa ang kanilang opisina para sa mga apektado ng ASF sa kanilang bayan.
Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!
Facebook Comments