Mahigpit na seguridad na ipapatupad sa mga international events na idadaos sa bansa, tiniyak ng PNP kasunod ng pagsabog sa England

Manila, Philippines – Siniguro ni PNP spokesperson Csupt Dionardo Carlos ang seguridad ng mga international events na idinadaos sa Pilipinas.

Ito ay matapos ang naganap na pagsabog sa isang concert sa
Manchester, England na ikinamatay ng maraming tao.

Ayon kay Carlos, wala pa namang na-monitor ang PNP na banta sa Pilipinas matapos ang kagaganapan sa Manchester.


Pero upang mas matiyak ang kaligtasan ng nga dumadalo sa mga ganitong uri ng international events sa bansa, importanteng makipag-ugnayan ng husto ang mga organizers sa PNP upang makapaglatag ng kaukulang seguridad at maiwasan ang mga ganitong insidente.

Matatandaang umaabot sa 19 ang patay at mahigit 50 ang sugatan sa pagsabog na naganap sa labas ng concert grounds na pinagdausan ng concert ni Ariana Grande sa Manchester, England.
DZXL558

Facebook Comments