MAHIGPIT NA SEGURIDAD NGAYONG HOLIDAY SEASON, TITIYAKIN SA BUONG PANGASINAN

Iginiit ng Pangasinan Police Provincial Office ang kanilang mahigpit na pagbabantay ngayong holiday season mula sa mga pook pasyalan, terminal hanggang sa pangangasiwa ng trapiko.

Ayon kay Provincial Director PCOL Arbel Mercullo, tutuparin ng kapulisan ang kanilang mandato sa pagtitiyak ng seguridad sa probinsya kasunod ng inaasahang dagsa ng mga magsisiuwi sa mga areas of convergence.

Kabilang dito ang pagdaraos ng Simbang gabi, pagpapatupad ng mga ordinansa, at pagsasaayos ng daloy ng trapiko habang papalapit ang kapaskuhan at bagong taon.

Binigyan diin ng opisyal ang implementasyon sa pagbabawal ng paggamit ng boga bilang alternatibong pampaingay dahil ito ay ilegal at maaaring makapanghamak sa mga patuloy na tumatangkilik dito.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng awtoridad sa mga barangay upang mahigpit na matutukan ang mga residente sa mga komunidad at maiwasan ang aksidenteng maidudulot ng mga ilegal na paputok at boga.

Facebook Comments