Mahigpit na Seguridad para sa Halalan 2019 sa Jones, Isabela, Tiniyak!

*Jones, Isabela- *Sinisikap ngayon ng pamunuan ng PNP Jones, Isabela na mapanatiling maging tahimik at payapa ang naturang bayan lalo na sa nalalapit na 2019 Midterm elections.

Ito ay matapos mapabilang sa 19 Hotspot area sa bansa ang bayan ng Jones.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Rex Pascua, hepe ng PNP Jones, nais nilang ipakita sa taumbayan na hindi mapanganib ang bayan ng Jones kung saan taliwas sa pagkakadeklara nito na kabilang sa Hotspot area.


Malaki na anya ang pinagbago ng kanyang nasasakupan kumpara noong mga nagdaang taon na maraming nangyayaring karahasan sa tuwing eleksyon na siya umanong pinagbasehan upang ibilang ito sa election hotspot.

Hangad din lamang anya ng mga residente ng Jones na magkaroon ng tahimik at payapang botohan kaya’t mas lalo pa nilang pinapaigting ang police visibility sa bawat lugar na sakop ng Jones.

Facebook Comments