Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang mahigpit na seguridad bukas sa paligid ng Sofitel Hotel sa Pasay City kasabay ng unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PNP Spokesperson Brigadier General Ronaldo Olay na nagkaroon na ng pulong kahapon ang Joint Task Force COVID Shield upang matiyak na nasusunod pa rin ang mga health protocols.
Hindi na rin hinihikayat ng PNP na magpunta pa ang mga tagasuporta ng mga kandidato lalo na’t maaari pa aniya itong maging super spreader ng COVID-19.
Samantala, tatagal hanggang Oktubre 8 ang filing ng COC para sa national level.
Facebook Comments