Mahigpit na seguridad sa Senado para sa nakatakdang pagharap ni Pastor Apollo Quiboloy sa imbestigasyon, nakalatag na

Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero ang seguridad ni Pastor Apollo Quiboloy para sa nakatakdang pagharap nito sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa mga reklamo ng pang-aabuso sa ilang mga myembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) partikular na sa mga kabataan at kababaihan.

Ayon kay Escudero, nakipag-usap na siya sa Office of the Senate Sergeant at Arms (OSAA) para tiyakin na magiging maayos ang pagtanggap kay Quiboloy sa Senado kabilang na ang kanyang seguridad habang may pagdinig.

Sinabi pa ng Senate President na hindi na kailangan pang magdagdag ng mga magbabantay dahil inayos na nila ng OSAA ang security arrangement para sa pagdating ni Quiboloy.


Hindi rin aniya kailangan na buong armadong batalyon na security ni Quiboloy ay papasukin sa loob ng premises ng Senado.

Facebook Comments