Manila, Philippines – Naging mapayapa ang unang araw ng election period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman C/Supt. John Bulalacao – dalawang kaso lamang ng election gun ban ang naitala kahapon, una ay sa Cadiz City, Negros Occidental at sa Guiguinto, Bulacan.
Daan-daang checkpoints aniya ang itinayo ng sa buong bansa kasabay ng epektibo ng election gun ban.
Dagdag pa ni Bulalacao, asahan pa ang maraming checkpoint at iba pang police visibility measures sa mga susunod na araw habang nalalapit ang araw ng botohan sa Mayo 14.
Sa panig naman ng militar, ayon kay Armed Forces of the Philippines (Afp) Spokesperson, Brig./Gen. Bienvenido Datuin – makakatuwang sila ng mga pulis sa pagbibigay ng seguridad sa halalan.