Mahigpit na vaccine policy, tiniyak ng DOH

Naiintindihan ng Department of Health (DOH) ang pag-aalangan ng ilang indibidwal na magpabakuna laban sa COVID-19.

Sa statement, sinabi ng DOH, hindi talaga maiiwasan ang mga pagdududa lalo na kung ang mga bakuna ay mabilis na ginawa kumpara sa mga nauna at subok ng bakuna.

Aminado ang DOH na marami pa rin ang ayaw magpabakuna at marami ang kailangang kumbinsihin.


Pero iginiit ng ahensya na ang mga COVID-19 vaccines na papasok sa bansa ay bubusisiing mabuti ng mga eksperto.

Mahigpit ang mga ipinapatupad na protocols sa pagrerehistro ng bakuna hanggang sa pagsasagawa ng clinical trials at pag-a-apply ng Emergency Use Application.

Ang mga COVID-19 vaccines na bibigyan ng EUA o kaya naman ay full approval ng Food and Drug Administration (FDA) ang ikokonsiderang ligtas at epektibo.

Paiigtingin din ng DOH ang kanilang information drive.

Samantala, sisimulan na ng Senate Committee of the Whole ang pagdinig ngayong araw hinggil sa COVID-19 vaccination program.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, nais nilang malaman sa pagdinig ang malinaw na plano ng gobyerno sa kanilang immunization campaign.

Aalamin din kung bakit nagkaroon ng “dropping the ball” ang pamahalaan sa dalawang oportunidad na makakuna ng bakuna ng US-based Pfizer at China-based Sinopharm.

Facebook Comments