Mahigpit at transparent na proseso ng ginawang pagbusisi at pagpasa ng Kamara sa 2026 budget, muling binigyang-diin ni Appropriations Chairperson Rep. Suansing

Nagsasagawa ngayon ng press conference si House Appropriations Committee Chairperson Rep. Mikaela Suansing kung saan kanyang idinidetalye kung gaano kahigpit ang bukas sa publikong deliberasyon at pagpasa na ginawa ng kamara para sa proposed 2026 national budget.

Muling inilahad ni Suansing na sa kanilang ipinasang budget ay inalis na ang P255-B na pondo para sa flood control projects kung saan P56.6-B ang inilaan sa edukasyon, P90.7-B sa kalusugan at P53.7-B para sa agrikultura.

Sabi ni Suansing, bunsod nito ay umaabot sa P1.28-T ang inilaan sa sektor ng edukasyon na pinakamataas sa kasaysayan.

Inalis din ang P35-M na infrastructure funds sa ilalim ng unprogrammed appropriations.

Muli ding nilinaw ni Suansing na ang unprogrammed appropriations ay standby appropriations na hindi pa kasali sa panukalang P6.793-T 2026 budget.

Binanggit din ni Suansing na mula sa P363.4-B na unprogrammed appropriations ngayong taon ay nabawasan ito ng P120.2-B kaya bumaba sa P243.2-B para sa taong 2026.

Diin pa ni Suansing, wala na ang small committee at ipinalit ang budget ammendmends review subcommittee na ang lahat ng hearing ay naka-livestream o bukas sa publiko at nagkaroon din ng partisipasyon ang mga civil society organizations.

Dagdag pa ni Suansing, naka-upload na rin sa official website ng House of Representatives ang approved 2026 General Appropriations Bill kasama ang lahat ng volumes at annexes.

Muli ding nilinaw ni Suansing na ang unprogrammed appropriations ay standby appropriations na hindi pa kasali sa panukalang P6.793-T 2026 budget.

Binanggit din ni Suansing na mula sa P363.4-B na unprogrammed appropriations ngayong taon ay nabawasan ito ng P120.2-B kaya bumaba sa P243.2-B para sa taong 2026.

Facebook Comments