
Umabot na sa 521 na pamilya o katumbas ng mahigit 2,000 indibdiwal ang matinding napinsala ng Bagyong Amang.
Ito ang inihayag ni DSWD Spokesperson Asec. Romel Lopez sa Laging Handa public briefing.
Aniya, ang mahigit 500 pamilyang matinding apektado ng Bagyong Amang ay naitala sa Region 5 at Region 11.
Ayon kay Asec. Lopez, ang mga apektadong pamilya ay nanatili ngayon sa 5 evacuation centers na matatagpuan sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur at Davao del Sur.
Habang may 55 indibidwal ang nakitira sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.
Na-monitor din ng DSWD ang 14 na bahay na partially damage at 12 bahay ang totally damage.
Sa ngayon ayon kay Asec. Lopez, umaabot na sa halagang 109,000 pesos na mga family food pack ang naitulong na sa mga pamilyang lubhang apektado ng Bagyong Amang.
Nagpapatuloy aniya ang kanilang monitoring upang matukoy ang eksaktong bilang ng mga apektado pamilya sa mga lugar na matinidng sinalanta ng bagyo upang mabigyan agad ng ayuda.
Sinabi pa ni Asec. Lopez na bago pa man nanalasa ang Bagyong Amang ay may mga preposition nang mga family food packs sa mga strategic location upang agad makapagbigay tulong.









