Nakapagtayo na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng 755 na pasilidad bilang tugon sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral, katumbas ito ng 27,894 bed capacity para sa isolation o quarantine facilities, off-site dormitories at modular hospitals.
Sa naturang bilang, operational na ang 682; 51 ang off-site dormitories at 22 ang modular hospitals.
Sa pagsusulong naman sa pagbibisikleta, nakapaglatag din ang ahensya ng nasa 523 kilometer bike lane networks sa Metro Manila, Cebu, at Davao.
Facebook Comments