Mahihgit 280K na pasahero ng MRT-3, nahandugan ng libreng sakay sa huling araw ng 12 Days of Christmas ng DOTr

Nagtapos na ang 12 Days of Christmas: Libreng Sakay na handog ng Department of Transportation (DOTr) kahapon, December 25.

Kung saan libre sa lahat ang biyahe sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3.

Sa tala ng pamunuan MRT-3, pumalo sa 280,508 na pasahero ang nakinabang sa free ride.

Nagsimula ang libreng sakay nitong December 14 kung saan iba’t ibang sektor ang nabigyan ng libreng sakay.

Facebook Comments