Mahihinang buga ng usok, naitala sa Bulkang Taal

Patuloy ang aktibidad ng Bulkang Taal.

Ayon sa Phivolcs – nagbubuga pa rin ng usok ang bulkan na may taas na hanggang 50 metro.

Naglalabas din ito ng sulfur dioxide sa average na 97 tonnes kada araw.


Nasa 153 mahihinang volcanic earthquakes naman ang naitala sa magdamag.

Ayon sa Phivolcs, nangangahulugan ito na patuloy ang paggalaw ng magma kaya posible pa ring magkaroon ng pagsabog.

Nakataas pa rin ang alert level 3 ng bulkan.

Facebook Comments