Mahihirap na Senior Citizen sa isang Siyudad, Hiniling na maisama sa SAP Beneficiary

Cauayan City, Isabela- Nananawagan ngayon si Sangguniang Panlungsod Member Rufino Arcega sa Lokal na Pamahalaan ng Cauayan na ikonsidera ang mga mahihirap na Senior Citizen na mapasama sa tatanggap ng Social Amelioration Program.

Ayon kay SP Arcega, may mga senior citizen na walang kakayahan na makabili ng ilang pangunahing pangangailangan dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Hiniling ng konsehal sa City Social Welfare and Development (CSWD) na tignan na maisama ang mga tinaguring ‘poorest of the poor’ na mga Senior Citizen sa tatanggap ng ikalawang bugso ng nasabing ayuda.


Giit ni Arcega, kailangan na magkaroon ng koordinasyon ang tanggapan ng CSWD sa mga presidente ng senior citizen sa bawat barangay upang maging basehan kung sino-sino nga ba karapat-dapat na tumanggap ng ayuda.

Kinakailangan din umano na maikonsulta sa alkalde ng lungsod ang mga ganitong sitwasyon upang makagawa ng produktibong paraan sa pagbibigay ng ayuda.

Panawagan ito ni Arcega sa kabila ng maraming bilang ng mga senior citizen ang dapat na mabigyan ng ayuda.

Facebook Comments