MAHIHIRAPAN | Paglusot sa Impeachment case ni CJ Sereno, hindi magiging madali

Manila, Philippines – Mahihirapan umano si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na makalusot sa impeachment dahil sa super majority ng mga kongresista.

Ito ang nakikita ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali kahit pa kakasimula lamang ng determination of probable cause ng impeachment complaint na inihain laban sa Punong Mahistrado.

Sinabi ni Umali na gagana ang numero ng super majority ng mga kongresista sa magiging hatol sa reklamong impeachment na kinakaharap ni Sereno.


Matatandaan na una nang inimbitahan ng Kamara si Supreme Court Associate Justice Teresita De Castro para humarap bilang witness sa hearing ng impeachment ni Sereno.

Dagdag pa ni Umali, malas lang din daw ng Punong Mahistrado sapagkat mayroong super majority sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Facebook Comments