𝗠𝗔𝗛𝗜𝗡𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗥𝗨𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬

Pinag-usapan sa naganap na session ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang ukol sa ilang mga reports na kanilang natanggap mula sa mga residente sa mahina at marumi umanong suplay ng tubig na kanilang nararanasan.
Isa sa mga nakararanas ng mahinang pressure at hindi fit na inuming tubig ang Barangay ng Pantal kaya naman nais ng sangguniang panglunsod na bigyang aksyon na dapat ng PAMANA Water Dagupan City ang naturang mga reklamo.
Kung maaari raw sana ay lahat ng mga barangay sa lungsod ay matignan ang pressure at uri ng tubig na lumalabas sa kanilang mga gripo para malaman kung ito ba ay ligtas na inumin at gamitin ng mga residente.

Sa facebook page naman ng PAMANA Water District Dagupan City, isinaad nila na magsasagawa sila ng air scouring activity sa November 10, 2023 para ma-improve ang kalidad at daloy ng tubig na lumalabas mula sa mga apektadong barangay maging para malinisan na rin ang mga pipelines sa naturang mga lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments