MAHINA | Bentahan ng paputok sa Bulacan, matumal pa rin!

Bulacan – Ramdam na ng mga nagtitinda ng paputok sa Bocaue, Bulacan ang epekto ng ipinatupad na partial firecrackers ban ng gobyerno.

Ilang linggo kasi bago ang bagong taon, matumal pa rin ang bentahan ng mga paputok sa tinaguriang firework capital ng bansa.

Ayon sa ilang nagtitinda – kahit nagbawas na sila ng stock ng mga pailaw at paputok, marami pa rin talaga ang hindi bumili nito ngayong taon.


Nabatid na nasa 95 dealer at 29 na manufacturer ng paputok ang lisensyado sa Bulacan at lahat ng mga ito ay iinspeksyunin ng mga otoridad para masigurong magiging ligtas ang pagsalubong ng bagong taon.

Payo naman ng Department of Trade & Industry – suriin ang label ng bibilhing paputok at tiyakin na mayroon itong product quality seal.

Samantala, inirereklamo naman ng mga local manufacturer ang mga nagkalat na iligal na paputok sa Divisoria.

Giit ni Engr. Celso Cruz, Presidente ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association, Inc. (PPMDAI) – dapat higpitan ng customs ang pagpasok ng mga imported na paputok.

Bukod kasi aniya sa delikado, pinapatay din nito ang lokal na industriya ng paputok sa bansa.

Sina DTI-Bulacan Provicial Director Zorina Aldana at Ppmdai President Engr. Celso Cruz.

Facebook Comments