Manila, Philippines – Apektado ng northeast monsoon o amihan ang dulong hilagang Luzon.
Tail end of cold front naman ang makakaapekto sa silangang bahagi ng Luzon kabilang dito ang Cagayan Valley, Cordillera, Bicol, Aurora, Quezon, Nueva Ecija at Bulacan.
Ang mga nasabing lugar ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan.
Sa Visayas at Mindanao, asahan ang maaliwalas na panahon.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 25 hanggang 28 degrees celsius.
Sunrise: 5:52 ng umaga
Sunset: 5:26 ng hapon
Facebook Comments