Manila, Philippines – Humingi ng paumanhin ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pasahero sa mahinang air conditioning sa ilang bahagi ng NAIA terminal 3.
Paliwanag ni miaa General Manager Ed Monreal – patuloy kasi ang pagsasaayos ng centralized air conditioning system sa paliparan.
Tinutugunan na nila ang problema sa air-conditioning pero kinakailangan pang dumaan sa bidding process kung bibili na lamang ng mga piyesa para rito o bumili ng bagong unit.
Facebook Comments