Mahinang intelligence network ng mga law enforcement agencies, pinuna ng isang senador

Kinalampag ni Senator Sherwin Gatchalian ang ating law enforcement agencies na magsilbing wake-up call ang kanilang intelligence network sa paghahanap ng mga pugante dahil hindi ito epektibo.

Tinawag ni Gatchalian na nakakahiya para sa law enforcement agencies ng bansa na Indonesian authorities pa ang nakahuli kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Dito aniya kasi sa Pilipinas, dalawang buwan nang pinaghahahanap ng mga awtoridad si Guo hanggang sa mabalitaang nakatakas na nga ito.


Binigyang-diin ni Gatchalian na matapos lamang ang naging pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. kaugnay ng paghuli kay Guo ay agad nakita ng mga Indonesian authorities ang mga kasama nitong sina Shiela Guo at Cassandra Li Ong.

Makalipas aniya ang dalawang linggo ay si Alice Guo naman ang nadakip ng mga awtoridad sa nasabing bansa.

Matatandaang huling dumalo ng pagdinig ng Senado ang pinatalsik na si dating Mayor Alice noong May 22.

Facebook Comments