Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng mahinang pagsabog sa Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.
Batay sa tala ng PHIVOLCS, isang minor phreatomagmatic eruption early ang naitala bandang alas 5:58 ng umaga na lumikha ng nasa 2,800-metrong pagluwa ng kulay abo na plume.
Nagtala rin ang bulkan ng dalawang volcanic tremors na may apat na minuto ang haba, pagluwa ng 7,216 tonaleda ng asupre at long term deflation ng Taal Caldera, Short term inflation sa general northern at southeastern flanks ng Taal Volcano Island (TVI).
Patuloy na ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang pagpasok ng sinuman sa TVI laluna na sa may main crater at Daang Kastila fissures, pamamalagi sa Taal Lake at pagpapalipat ng anumang aircraft malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog, volcanic earthquakes, minor ashfall at pagluwa ng volcanic gas.
Ang Bulkang Taal ay nananatiling nasa Alert Level 1 o may mababang level of unrest.