Mahinang performance ng DOT, pinuna ng dalawang kongresista

Dismayado sina Tingog Party-list Rep. Jude Acidre at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V sa mahinang performance ng Department of Tourism (DOT) na pinamumunuan ni Secretary Christina Frasco.

Ayon kay Acidre, malaking ang kakulangan sa pagbangon ng turismo sa bansa, habang ang mga kalapit na bansa tulad ng Thailand, Vietnam, at Malaysia ay mabilis nang nakakabawi, ang Pilipinas naman ay patuloy na naiiwan.

Diin pa ni Acidre, hindi lang bumaba ang bilang ng mga turistang dumarating sa bansa, kundi pati na rin ang kinikita sa bawat bisita.

Binanggit naman ni Rep. Ortega na sa kabila ng matinding promosyon sa pandaigdigang merkado at magastos na rebranding campaign ay patuloy na naiiwan ang Pilipinas sa likod ng mga karatig-bansa sa ASEAN pagdating sa dami ng turistang bumibisita at sa pagbangon mula sa pandemya.

Ipinunto pa ni Rep. Ortega na ang hindi pagkakasama ng DOT sa ikaapat na State of the National Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagpapakita na kailangan nitong pagbutihin ang trabaho at magpakita ng malinaw na pag-unlad na makakatulong sa pagbangon ng bansa.

Facebook Comments