Mahinang phreatomagmatic eruption, naitala sa Bulkang Taal kaninang umaga

Muling nakapagtala ang PHIVOLCS kaninang umaga ng panandaliang phreatomagmatic eruption sa Bulkang Taal.

Ayon sa PHIVOLCS, umabot ng 200 metro ang taas ng usok na ibinuga ng Taal main crater na naganap kaninang alas-6:47 ng umaga.

Ito na ang ika-pitong phreatomagmatic eruptions na naitala sa bulkan simula kahapon.


Nanatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal kung kaya’t posible pa rin ang pagputok nito sa mga susunod na oras.

Facebook Comments