Mahipit na quarantine classification, posibleng ipatupad sa CAR at Davao Region

Posibleng ipatupad ng COVID-19 task force ng pamahalaan sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Davao Region ang mas mahigpit na quarantine.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos umabot sa moderate risk ang health care facilities na nakalaan para sa COVID-19 cases.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang healthcare utilization sa CAR ay nasa 60% habang nasa 54% sa Davao region.


Paalala ni Roque na ang utilization rate ay isa sa mga factor para sa pagdedesisyon ng quarantine classification sa isang lugar.

I-aanunyo ng Palasyo ang bagong quarantine classifications para sa buwan ng Pebrero bago sumapit ang Lunes.

Facebook Comments