MAHIRAP MAIWASAN | Leptospirosis, mahirap labanan, mga gamot pangontra dito, sapat naman ayon sa DOH

Manila, Philippines – Aminado ang Department of Health na mahirap talagang maiwasan ang leptospirosis lalo na sa mga lugar na madalas ang pagbaha.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque batay sa kanilang huling record ay umabot na sa 1121 ang kaso ng Leptospirosis sa Metro Manila at sa bilang na ito aniya ay 100 na ang nasawi.

Pero sinabi din naman ni Duque na hindi sila nagkukulang sa pagpapaalala sa publiko para maiwasan ang nakamamatay na sakit.


Binigyang diin din naman ng Kalihim na sapat ang ipinamimigay ng DOH na Doxycycline na gamot sa leptospirosis sa mga evacuation areas sa National Capital Region tulad sa Marikina at sa bagong silangan sa Quezon City.

Facebook Comments