Manila, Philippines – Iginiit ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na kabilang ang mga opisyal at miyembro ng PNP sa mga Pilipinong nagnanais na mahuli ng buhay ang mga drug suspects.
Sa isinagawang survey ng Social Weather Station o SWS nitong June 23 hanggang June 26, 2017 – 90 porsyento ng mga Pilipino ay nagsasabing importante na mahuli na buhay ang mga drug suspects.
Sa katunayan, ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, mula July 1, 2016 hanggang September 30, 2017 – aabot na sa 109, 090 na mga drug offenders ang nahuling buhay at nasampahan na ng kasong criminal.
Katulad din aniya ng kanilang ginagawang house visitation sa mga drug suspects kung saan 1, 260, 196 ang kusang loob na sumuko.
Ibig sabihin aniya nito, binibigyan ng pagkakataon ng PNP ang mga drug suspects na sumuko at pinapahalagahan ang right of life ng bawat indibidwal.