Mahusay at maasahahang kapulisan, pangako ni PNP Chief Marbil

Isang mahusay, maaasahan at matatag na hanay ng kapulisan, yan ang ipinangako ng bagong Philippine National Police (PNP) Chief na si Police General Rommel Francisco Marbil.

Ayon kay PNP Chief Marbil gagawin ng PNP ang lahat para pangalagaan ang kapayapaan at kaayusan dahil dito nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya at progresso ng bansa.

Itataguyod din aniya ng Pambansang Pulisya ang isang ligtas na Bagong Pilipinas, alinsunod na rin sa adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Maliban dito, isusulong din ng liderato ni Marbil ang smart policing sa pamamagitan ng pagtitiyak ng kalidad ng mga lider ng PNP, pagpapahusay sa kapabilidad ng mga pulis na itaguyod ang batas at pagpapa-angat sa tiwala ng mamamayan sa pulisya.

Si Marbil ay itinalaga ni Pangulong Marcos bilang ika-30 pinuno ng Pambansang Pulisya kapalit ni Gen. Benjamin Acorda Jr. makaraang magtapos ang kaniyang term extension nitong March 31.

Facebook Comments