Mahusay humarap sa krisis at mabilis kumilos isang, katangian dapat ng susunod na pangulo ayon kay VP Leni

Binigyang diin ni Vice President Leni Robredo na kailangan ng bansa ng isang presidente na mahusay humarap sa mahihirap na sitwasyon, mabilis kumilos at mahusay humarap sa krisis.

Sinabi ito ni VP Leni sa isang panayam sa kaniya kung paano makukumbinsi na siya ang iboto sa darating na halalan.

Ayon kay VP Leni, makikita aniya ang kanitong katangian sa anim na taon niyang panunungkulan bilang bise presidente ng bansa.


Sa iba’t ibang kalamidad na pinagdaanan ng bansa ay naramdaman ang kaniyang tanggapan upang umalalay sa mga biktima.

Tulad ng sa pagharap sa COVID-19 pandemic, kasama ng sambayanang Pilipino ang Office of the Vice President kung saan gumawa ito ng iba’t ibang programa.

Tulad na lang ng para sa kapakanan ng health workers, pag-produce ng face mask, pagbibigay ng trabaho, pagkain, at pagtulong na mabakunahan ang publiko.

Sinabi ni Leni na kaya ito naging posible dahil may kakayanan siya na maging kakampi ang private sector upang tumulong lalo’t kakaunti lamang ang pondo ng kanilang opisina.

Ang nabanggit na katangian ay magiging sandata ni VP Leni kapag siya ay naging pangulo na ng Pilipinas.

Kabilang sa natuklasan ni Robredo na dapat unahin ay ang solusyonan ang problema sa trabaho, edukasyon at kalusugan upang maingat ang buhay ng lahat.

Facebook Comments