Naniniwala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na naging instrumento sa pagbaba ng COVID-19 transmission sa Cebu City ang kahusayan sa pagpapatupad ng contact tracing at iba pang quarantine measures sa rehiyon.
Base sa ulat na isinumite sa DILG Central Office, mayroong 31 contact tracing teams sa Cebu City na may 149 members ang nakatuon lang sa contact tracing efforts.
Paliwanag ni DILG Usec. Jonathan Malaya na sa ngayon aniya, 7,589 sa kabuuang 7,685 COVID-19 cases ang na-trace ng contact tracing teams at 9,828 contacts naman ang nasuri.
Nakikita na aniya ang downward trend sa lungsod at ito’y dahil sa trabaho ng mga contact tracers.
Dahil dito, tiniyak ng DILG na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pinatindi na whole-of-nation approach kabilang ang Close Monitoring and Assistance sa COVID-19 patients at mga close contact at quarantine o isolation facilities.