Manila, Philippines – Tiniyak ni House Committee on Justice Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na mai-impeach na sa Marso sa kamara si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Ayon kay Umali, sa huling pagdinig ng impeachment case ni Sereno ngayong araw, kanila nang iko-consolidate ito para iprisinta at pagbotohan na sa unang Linggo ng Marso.
Matapos pagbotohan sa komite, ipiprisinta nila sa plenaryo ng kamara sa ikalawang linggo ng Marso ang articles of impeachment para pa rin pagbotohan kung ibabasura ito o ipapanik sa senado na siyang magsisilbing impeachment court.
Pero pag-uusapan pa rin aniya ng liderato ng kamara at ng senado kung kailan isasampa sa mataas na kapulungan ang articles of impeachment.
Giit naman ni Umali, hindi sila nagbase lang hearsay dahil walong justices ang humarap sa pagdinig habang walang kumokontra sa mga tumestigo dahil hindi sumipot si Sereno.
Wala rin aniyang nakikitang panggagalingan na maaring basehan ng mga miyembro ng committee on justice para panigan si Sereno.