Manila, Philippines – Patuloy na maibebenta sa US markets ang seaweed-derived substance na tinatawag na ‘Carrageenan’ na ginagamit bilang additives sa mga organic foods.
Ito ang inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) matapos pakinggan ng USDA agricultural marketing service ang panawagan sa Pilipinas na isama pa rin ng naturang Federal executive government ang ‘Carrageenan’ sa national list of allowed substance.
Una dito, dinepensahan ng Philippine Government sa pamamagitan ng science-based position papers na isinumite nito sa USDA ang negatibong pahayag ng National Organic Coalition hinggil sa estado ng seaweed production sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, nakumbinsi ng mga scientists ng University of the Philippines at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang USDA mula sa mga isyu at pinagtibay ng nakamit na pwesto ng Pilipinas bilang top exporter ng ‘Carrageenan’ sa Amerika na kumita ng $28.1-m noong 2017.