MAIBIBIGAY NA | LTO, tiniyak na maibibigay na ang libu-libong plaka ng sasakyan sa second half ng 2018

Manila, Philippines – Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) na maipapamahagi na ang libu-libong lisensyadong plaka ng mga sasakyan sa ikalawang bahagi ng taon.

Ito ay matapos dumating ang mga bagong makina na magpapalakas sa kakayahan ng gobyerno na mag-manufacture ng sariling plaka at maresobla ang backlog mula July 2016 hanggang sa kasalukuyan.

Noong Pebrero, pitong units ng manual embossing machines ang dumating na ininspeksyon naman ng mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) nitong nakaraang linggo kung saan kaya nitong makagawa ng 22,000 plaka kada araw.


Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, mayroon pang ilang aspeto na kailangang ayusin para mapabilis at mapahusay ang produksyon ng plaka.

Inaasahang darating naman sa Hulyo ang isang automated embossing machine at magagamit sa kasunod nitong buwan kung saan 12,000 plaka ang kaya nitong gawin sa loob ng isang araw.

Facebook Comments